Para kanino ang jeepney modernization program?

Hindi lamang dito sa atin nagbunga ng sisihan sa paglatag ng solusyon sa di makitang kaaway, ang virus na COVID-19.

Ang bansang America at China ay nagbabatuhan din ng akusasyon kung talagang saan nagmula ang virus.

Sa una tinawag na agad ito ng U.S. na “Kung Flu”, at ang iba pa nilang opisyal at kritiko ay tinawag naman itong “Chinese Virus” at “Wuhan Virus” dahil nga raw sa pinagmulan na lunsod ng probinsiyang Hubei sa China.

Agad nanawagan ang China sa World Health Organization na ang mga pasaring ng U.S. o’ America  ay hindi nakakabuti para sa kanilang bayan, dahil ang mabilis na kumakalat na sakit dala ng ‘corona virus’ ay problema ng buong mundo.

Nagawa ng China na mapakilos ang WHO at tawagin na ito ngayong COVID-19 upang mabura na rin sa kasaysayan na sila ang pinagsimulan nito, at sa bandang huli ay naipalabas, na ang virus ay imported, o’ U.S. ang nagdala nito sa China sa pamamagitan ng mga espiya at sundalo nito.

Ang magkabilang batuhan ng putik sa pagitan ng dalawang pinaka malakas at pangunahing bansa sa buong mundo ay hindi natin maikakaila na ang pangunahing dahilan ay ang maungusan lamang ang karibal na bansa.

Ano man ang agenda ng dalawang world leaders na sina Donald Trump ng U.S.  at ni Chinese President Xi Jinping sa sisihang ito, kailangang tumutok din ang ating mga lider at opisyal sa mga pangyayari. Dahil sigurado akong ang buong mundo ay apektakdo kapag nagka-pikunan ang dalawang “super powers”.

Dito nga sa atin ay ganun din. Sisihan ng sisihan kahit panahon na nang pagtutulungan. Ang mga kritiko at kalaban ng pamahalaan ay ginagawa ang lahat para lamang mapasama ang imahe ng administrayon sa mata ng taong bayan. Sa mga lokal na pamayanan ay wala ring pinagkaiba, ang mga nakalaban ni mayor, maging ni barangay “kupitan” este kapitan ay sige rin ang sisi at silip sa mga pagkukulang ng mga opisyal na ito, ngayong ang buong bansa ay suma-sailalim sa digmaan na hindi nakikita ang kalaban.

Ang virus na nakamamatay ay nagbigay na ng pruweba sa kalahatan, sa China mismo, daan-daan katao ang pinatay nito. Ganun din sa Italy at maging sa America at sa iba pang bansa. Hindi maganda na maghanapan pa tayo ng mga kamalian sa bawat isa o’ magsisihan sa kalagitnaan ng epedemiya.

Mas makabubuti na magsama-sama tayong harapin ang problema. Kalimutan ang nakaraang hidwaan, tingnan ang magagawa at ibigay ang lahat ng ating maitutulong upang mapaglabanan at malagpasan ang nakamamatay na virus na dala ng COVID-19.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *