SINO NGA BA TALAGA ANG TOLONGES SA WAR ON ILLEGAL GAMBLING SA RIZAL? | Opinyon

IBA TALAGA ITONG SI ROSALINA PEBRE!

Tila “gaguhan” na ang kampanya ng kapulisan laban sa iligal na sugal sa lalawigan ng Rizal.
“Cat and mouse” na ang nangyayari.
Isasara ngayon, bukas bubuksan ulet.
Kung sinu-sinong matataas na opisyal ng PNP Calabarzon ang binabanggit ng mga gambling lords gaya nina alyas JESS, alyas RAMBO, alyas JEFF, alyas ROSE at alyas BERT na nasa likod ng nagkalat na operasyon sa lalawigan ng Rizal, kapalit ng paldo-paldong payolang ipinamumudmod umano nila sa tanggapan nina PNP Region 4A, RSOU, R2 at Rizal PNP Provincial Director, Colonel Renato Alba.
We tend to believe na may katotohanan itong ipinagyayabang ng mga kupaling illegalistang ito patungkol sa mga patabaing baboy na alaga niya sa PNP.
Bakit kanyo?
Eh heto at namamayagpag pa rin ang mga emperyo ng PERGALAN diyan sa buong Lalawigan ng Rizal, sa Brgy. Mambugan, Brgy Inarawan, at Padilla sa Lungsod ng Antipolo, meron din sa Valley Golf ng Bayan ng Cainta, sa Brgy Muzon at Hiway Floodway naman sa Bayan ng Taytay, at nagkalat din sa ibang bayan gaya ng Binangonan, Morong, Tanay, Angono, Baras at Montalban Rizal, kahit itanong nyo pa sa kaibigan nating si Kuya Cesar Barquila na hindi rin malaman kung paanong napayagan ang mga ito.
Kahit pa nga raw mapatiran na ng ugat sa sentido ang mga kapulisan natin sa Rizal sa konsumisyong dulot ng banat natin sa dyaryo laban sa mga police officials na ito dahil sa operasyon ng illegal gambling sa kanilang AOR ay walang keber ang mga kupaling illegalista.
Basta bundat naman sa intelihensiya ang mga mamang pulis ng Rizal at Calabarzon!
Regular naman daw at hindi nade-delay ang kanilang intrega sa mga gagong bagmen ng kapulisan mula lokal hanggang sa Probinsya ng Rizal, RSOU, R2 maging ang tanggapan ni R-4A Director Gen. Danao ay pinagmamalaki nitong mga kupal na ito na busog sa inteliling, baka kung anu-ano nang pangalan at kung sinu-sino na ang ginagamit para sa pangungulekta ng payola para kuno kay Gen. Danao ehh wag nyo na subukan.
Sa laki ng pinagmamalaki ng mga kupaling illegalistang ito na ipinamumudmod sa ating kapulisan ehh! Tiyak ito merry ang Pasko nyo.
May kasunod…
Abangan!
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close