SHARON CUNETA napikon sa bashers na atat sa isyung hiwalayan kay Kiko

NAPIKON na raw  kaya umalma na si  Sharon Cuneta.
Marami raw kasing atat at gusto na silang maghiwalay ng esposo na si Senator Kiko Pangilinan.
Kahit daw noon pa eh talagang may mga atat na maghiwalay na ang mag-asawa.
Narindi na umano ang Megastar lalo na ang mga kalaban nito sa pulitika.
Kaya naman bumanat si Sharon at basag si PDuterte sa pinahayag ni Shawie sa pagsasabi na huwag nga raw mag-alala ang mga basher at sila nga agad ang makakaalam kung hiwalay na sila ni Kiko.

***
MALAKING tulong ang ratsadahan at kabi-kabila na promosyon sa pelikula ng mag-bff na Angelica Panganiban at Bea Alonzo ng kanilang Unbreakable kasama si Richard Gutierrez.
Happy ang magkaibigan dahil in 5 days eh naka-P56.9M ang kinita.
In five days lang daw ‘yun at ongoing ang kita nito sa takilya.
Kaya naman inaasahan na lolobopa ang neto nito sa patuloy na pagkita ng kanilang pelikula.

***
Regine Velasquez and Sarah Geronimo concert ikinakasa
AFTER ng tagumpay ng concert nina Regine Velasquez-Alcasid at Sharon Cuneta na The Icon, pinu-push naman ang concert nina Asia’s Songbird at Pop Princess Sarah Geronimo.
Inaasahan na mas bonggacious ang tandem nina Regine at Sarah sa concert.
Ayon sa sitsit ng aming chika belle, may pasabog daw sa concert ng dalawa.
Well, well, well…’Yun na!
  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close