HULI sa aktong gumagamit ng droga sa loob mismo ng kanilang barangay hall ang isang barangay kagawad at Ex-O sa Barangay Aniban 5, Bacoor City, Cavite dakong 10:00 ng umaga, noong Hunyo 15, 2019.
Nagsagawa ng buy bust operation ang Bacoor City Police Station Special Drug Enforcement Team at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite upang masakote ang dalawang suspek na sina Dante Junio Morales, 50, barangay Councilor, ng 101 Looban St.; at Miguel Dela Cruz Piedad, 53, Bgy. Ex-O ng 122 Looban St. parehong Brgy. Aniba 5, Bacoor Cavite.
Ayon kay Calabarzon Regional Director Brig. Gen. Edward Carranza, isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng isang plastic sachet ng shabu sa mga suspek.
Nadakip ang dalawa sa shabu session sa loob ng kanilang barangay hall. Dito nakuha sa kanila ang isa pang heat sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na may bigat na .89g at nagkakahalagang P6,052, dalawang pirasong P100 at ilang paraphernalia.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *