Sen. Win plano nang pakasalan ang syotang si Bianca ngayong 2020

 Angelica imbiyerna sa copycat sa socmed

IMBIYERNA raw si  Angelica Panganiban at  may pinaparunggitan sa kanyang social media account.
Mismong ang mga faney eh nakapansin na kung ano ang mga post ni Angelica eh ganun din ang post ng babaeng nanggagaya sa kanya.

Kaya naman sa IG post ni Angelica eh nagpakawala ito ng komento patungkol sa panggagaya sa kanya.
Wala naman tinukoy na ang gf ni Carlo Aquino na si Trina Candaza ang pinarurunggitan nito.
Sa panggagaya nga kay Angelica ng mga post eh naglitanya na ang aktres ng “gaya gaya puto maya”.

***

NGAYONG 2020 raw nakatakdang pakasalan ni Senator Sherwin ‘Win’ Gatchalian ang beauty queen na dyowa na si Bianca Manalo.
Marami na raw kasing tumutukso kay Sen. Sherwin at ganun na din kay Bianca na malalapit nilang kaibigan at kaanak.
Pareho naman umanong nasa right age na sina Sherwin at Bianca.
Kantiyaw nga ng kanilang mga friendship eh hindi na anya sila bumabata kaya dalian na ang pag-aasawa.
Napag-uusapan na raw ng couple ang pagpapakasal pero wala pa itong takdang araw. Pero target daw ng senador na ngayong taon na sila lumagay sa tahimik ni Bianca.

***

Arnel Ramos Felix, isang mahusay na director
BAGITO pa man noon si Direk Arnel Ramos Felix pero makikita at madarama na ang kanyang pagiging de-kalibre.
Kabibilib si Direk Arnel at halos lahat ng komento eh nagpapatunay na mahusay nga raw itong umanggulo.
May ilan na ring nakapanood sa kanyang gawa at panalo naman daw ang cinematography. Kaya asahan na marami ang kukuha sa kanyang serbisyo bilang director.
Kamakailan lang eh muling gumiling ang lente ng kamera para sa bago nitong project.
“Di lang mahusay na director, mahusay din makisama sa lahat,” papuri ng isang nakatrabaho na ni Direk Arnel.
Well, well, well…’Yun na!

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *