11 katao itinuturing ng ‘PUIs’ dahil sa NCoV - Sec. Duque

PINANINDIGAN ni Health Sec. Francisco Duque III na ang mga indibidwal na may sintomas ng corona virus disease 2019, dapat manatili sa kani-kanilang tahanan o nakasailalim sa quarantine.
Ang pahayag ni Duque, kasunod ng pagpunta ni Sen. Koko Pimentel sa Makati Medical Center (MMC) para samahan ang manganganak na asawa sa kabila ng nauna na itong nagpasuri para sa COVID-19 dahil nakaramdam siya ng ilang sintomas ng virus.
Aminado ang kalihim na nagkaroon ng paglabag sa protocol ang senador sa ginawa nito gayong naka-quarantine ito.
Susunod aniya ang DOH anuman ang maging desisyon ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno sa mga lumalabag sa quarantine.
“Susundan natin ang yapak ng lead agency para panatalihin ang peace and order pati violaton sa protocol ng quarantine,” pahayag ni Duque.
Samantala, nilinaw ni Duque na hindi siya tumawag sa MMC para makiusap na tanggapin ang misis ni Pimentel.
“Hindi po ako tumawag sa MMC para makiusap na tanggapin asawa ni Koko,” pahayag ni Duque.
Umapila naman ang kalihim sa lahat lalo na sa mga may nararamdamang sintomas ng virus na manatili sa bahay.
“Nanawagan sa lahat kritikal na lahat tayo lalo na mga pui at pum ay manatili sa ating mga tahanan,” pahayag ni Duque
Sa huli binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagsunod sa umiiral na ‘Enhanced Community Quarantine’ upang mapagtagumpayan ang laban sa COVID-19.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *