Sen. Go: Pagdikdik kay Albayalde babala sa mga korap

INIHAYAG ni Sen. Bong Go na isang matinding babala sa mga tiwali at lumalabag sa batas ang pagsasampa ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman laban kay dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde at sa 12 pang pulis kaugnay ng isyung “ninja cops”.
“This filing of cases sends a very strong message to everyone, including those personnel entrusted to implement the law, that we are serious in this relentless war against illegal drugs and we will not backtrack in this campaign,” ang pahayag ni Go.
“Our relentless campaign against illegal drugs continues and will inten-sify further until we put an end to this menace,” aniya pa.
Ayon sa senador, ang pagsasampa ng kaso laban kay Albayalde at sa kanyang mga “kasapakat” ay nangangahulugan na binibigyan ng gobyerno ang bawat Filipino citizen n g oportunidad upang idepensa ang kanilang sarili sa korte.
Sinabi ni Go na sinusuportahan ng publiko ang kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs dahil nais nilang ligtas ang kanilang buhay at mga ari-aria.
Kaya mahalagang malaman ng taongbayan kung sino ang mga dapat na mapanagot.

  • 8
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    8
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *