GO: AHENSYA VS KALAMIDAD ITATAG!

Sa pagdalaw ni Sen. Christopher “ Bong “ Go sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, tiniyak niya sa publiko na ang gobierno ay naghahanda sa pagdating ng bagyong Tisoy at sinabi nagtawag ng pulong sa kaniyang gabinete para pag-usapan ang paghahanda sa tatamang bagyo.
“Ngayon po ay magpupulong si Pangulong Duterte along with Cabinet secretaries para sa preparasyon. Ang gobyerno ay maghahanda,” ayon kay Go, at nanawagan sa publiko na maghanda sa darating na malakas na bagyong Tisoy.
“Tayo rin po ay maghanda. Maghanda tayo ng pagkain at iba pang kailangan. Punta tayo sa lugar na safe. Bantayan natin ang ating mga anak,” pinayuhan ang publiko.
“Importante ang buhay ng bawat Pilipino,” binigyan diin ni Go.
Inaasahan ang malakas na hangin at pagbasak ng ulan gabi ng Lunes sa rehiyon ng bicol.
Samantala habang kinakausap ni Go ang mga biktima ng sunog, hinikayat niya na maghanda sa malakas na bagyong darating at ang kaniyang pagbisita sa kanila ay prioridad na pagkalooban sila ng tulong.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close