INAMIN ni Senador Sonny Angara na nagpositibo siya sa Coronavirus Disease (COVID-19)
Sinabi ng senador na nakaramdam siya ng mga sintomas gaya ng lagnat, pag-uubo, pananakit ng ulo, at panghihina.
Ayon kay Angara, hindi siya lumabas at nakisalamuha sa publiko simula noong nagpa-test siya noong March 16.
Humingi naman ng panalangin ang senador sa publiko para malampasan ng lahat ang banta ng COVID-19.
Inihirit din niya na patuloy na suportahan ang mga hakbang ng gobyerno para labanan ang sakit.
“Let us support out frontliners on the streets, in the emergency rooms as they are key to the effort,” dagdag pa ni Angara.
Nabatid na si Angara ang ikatlong senador na nagpositibo sa virus, kasunod nina Senators Juan Miguel Zubiri at Aquilino “Koko” Pimentel III.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *