Sec. Bello kinasuhan ng graft sa Ombudsman

Sinampahan ng kasong katiwalian at treason sa tanggapan ng Ombudsman ng grupong Solidarity for Sovereignty si Labor Secretary Silvestre Bello III at dalawang iba pa dahil sa umano’y pang-aabuso sa tungkulin.
Sa reklamo na isinampa sa Ombudsman ni Adolfo Paglinawan, lead convenor ng grupo ang umano’y pag-aabuso sa kapangyarihan ni Bello gaya ng pagkakaroon nito ng 40 official travel abroad na isang uri ng paglustay sa pondo ng pamahalaan.
Mas marami pa umano ito sa biyahe ni dating Presidential Commission on Urban Poor Chairman Terry Ridon na tinanggal sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa 7 biyahe sa abroad gayundin si Marcial Amaro, administrator ng Maritime Authority na sinibak din sa puwesto dahil sa 24 na travel abroad.
Ilan sa hindi nagustuhan ni Paglinawan ang umano’y pagpapalabas ng lisensiya ng mga expired na recruitment agency.
Kasong treason dahil sa kabila na pinakansela na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks ng pamahalaan sa pagitan ng NDF ay nagawa parin umano ng Kalihimn na makipagkita kay NDF negotiator Joma Sison sa Netherlands.
Bukod kay Bello, akusado rin sa kasong graft sina Ria Corazon Lano ng POEA Licensing Division at Noel Binag ng Occupational Safety and Health Center na umano’y kasabwat ng Kalihim sa iregularidad.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close