Sec. Año gigil nang tukuyin ang shabu cops

GIGIL na si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na tukuyin ang mga pangalan ng na tinaguring “Ninja Cops” na sangkot sa umano’y “agaw bato” o nagre-recycle ng mga iligal na droga.
Ito ang inihayag ni Ano sa awarding ng mga nanalo sa “Search for the Model Family 2019” na ginanap sa Camp Crame kahapon.
Ayon kay Ano, dapat tukuyin ang mga pangalan ng mga pulis na tinaguriang ninja cop upang hindi madamay ang matitinong pulis na gumagawa ng kanilang trabaho.
“During the Senate hearing, lumabas yan kaya lang during that particular hearing parang masyadong generic ang pagkakasabi na Philippine National Police. Ang perception tuloy naging normal o ussual practice, samantala patuloy ang ginagawang ng PNP para sa cleansing sa mga scalawag. Sana sa ganyang pagkakataon sabihin natin ‘yung pangalan, specific, para the Philippine National Police will do the appropriate action,” sabi ni Año.
Tiniyak naman ni Año sa publiko na ginagawa lahat ng PNP ang kanilang makakaya at pamamaraan upang malinis ang kanilang hanay laban sa mga tiwaling pulis.
Samantala, inihayag naman ni PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde, na dapat ipinagbigay alam ng PDEA sa kanila ang mga pulis na sangkot sa “drug recyling” upang mabigyan ng agarang aksyon.
Magugunita sa ibinulgar ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief, General Aaron Aquino, na mayroon mga pulis na sangkot sa pag-recycle ng mga nahuhuling iligal na droga, at isang babaeng drug lord ang bumibili ng iligal na droga sa ginanap na budget hearing sa Senado.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *