MONICA TORRES ANG DA BEST

SUBIC -Tulad ng inaasahan, naghandog ng gintong medalya ang Pinay duathlete na si Monica Torres para sa Pilipinas.
Bagamat kabado bago ang karera,buong gilas na tinahak ni Torres amg 5k run- 40k bike-5k run event upang tanghaling kampeon sa women’s duathlon ng 30th Southeast Asian Games dito sa Subic Freeport, Olongapo City.
Ang 35-anyos na dating running enthusiast, dragonboat lady paddler bago naging triathlete ay pumoste ng malaking agwat sa bike transition bago nag-breakaway sa last run leg at di na lumingon pa tungo sa pagtawid ng finish line na iwinawagayway ang bandila ng Pilipinas.
Isinumite ng maybahay ng isang Pinoy triathlete na naka-base sa Singapore ang winning-time niyang dalawang oras at 44 segundo na halos milya ang agwat sa karibal na segundangThailander at terserang Vietnamese upang makabawi naman ang PH duathlon na nabigong maka-gold sa men’s category.
“Kabado ako bago ang karera,iba kasi pag dito sa atin ang event kaya sa kasagsagan na ng kumpetisyon ay naging moti-basyon ko na para sa aking kababayan ang tagumpay,” wika ni Torres. “Nagbunga ang kalinga sa aming mga atleta mula sa TRAP at PSC magbuhat sa prepara-syon, exposure, training at actual competition. Ngayon lang namin naramdamang mga atleta and todo suporta ng pamahalaan.”
Hindi naman pinalad ang kababayang si Joey De Los Reyes sa panig ng kalalakihan kung saan ay pumangalawa lang siya sa tiyempong 1:53:4 gabuhok lang and agwat ng Indon gold medalist.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close