SEA GAMES ORGANIZERS SINALUDUHAN NG MALAKANYANG!

PINURI ng Malacañang ang organizers ng Southeast Asian Games sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa trabaho nitong tinuring na “exceedingly well done”, matapos ang kamangha-manghang opening ceremony ng biennial event sa Philippine Arena noong Sabado ng gabi.

“The opening ceremony of the 30th SEA Games was a sight to behold,” sabi ng Malacañang.
Ayon pa sa Malacanang, ang “eyecatching sports and musical extravaganza” ay di pinalampas ng The Strait Times ng Singapore na nagsabing: “It took just two hours to wipe away a week’s worth of bad headlines.”
“Undoubtedly, the ceremony demonstrated the redoubtable ability of the Philippines to host the biggest sporting events in the world and entertain our foreign guests with the kind of merriment that we Filipinos excel and are famous for,” saad pa ng Malacañang, dinagdag din nito na nagtakda narin ito ng mataas ng pamantayan para sa mga nais mag-host ng mga international sporting events.
Umaasa rin ang Malacañang na sa tulong nitong “event extraordinaire” ay maging maganda ang pagsasagawa ng mga gaganapin na palaro “until our foreign guests leave the country, bringing with them beautiful memories forever etched in their hearts.”
“Such a delight to watch a night where all Filipinos, regardless of age, social or political status and location, went in droves to show their support to the country’s hosting of the 30th SEA Games,” dagdag pa ng Malacañang.
Pinuri ng Filipino netizens, mga artista at mga pulitiko ang kamangha-manghang grand opening ceremony na nagsilbing hudyat ng simula ng Southeast Asian Games.
Pinalakpakan ng mga pinuno ng ilang National Olympic Committees kagaya ni Malaysian Olympic Committee President Mohamad Norza Zakaria at Indonesian NOC chief Raja Sapta Oktohari ang pagsisikap ng Philippine Olympic Committee at ng buong Pilipinas sa pagkakaroon ng lakas ng loob na mag-host ng SEA Games na mayroong 56 laro.
Kahit ang mga atleta mula sa ibang nasyon ng Asean ay pinuri ang mga pasilidad sa Athletes’ Village sa New Clark City.
Sinabi ng isang atleta mula sa Brunei na maliban sa magagandang pasilidad, humanga rin siya sa pagiging sensitibo ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng halal na pagkain para sa mga Muslim na atleta.
Dagdag pa rito, iba’t ibang uri ng putahe at lutuin ang inihahanda sa kusina ng Athletes’ Village na bukas 24 oras upang mapagsilbihan ang mga atleta ng almusal, pananghalian, hapunan at meryenda.
Bago pa ang opisyal na opening ceremony ng palaro, nalugod din ang mga journalist sa mga paghahandang ginawa sa media center sa Clark kungsaan may mga desktop computer, master control room, massage chairs, dining hall at media lounge na isinaayos at ginawa para sa kanila.
Dahil sa 47 medalyang ginto na ang nakamit ng bansa sa ikatlong araw ng torneo as of 7:00pm kagabi, nangunguna parin ang Pilipinas sa 30th SEA Games’ medal tally na mayroong 26 silver at 16 bronze, kungsaan nalagpasan na nito ang sariling 24-gold medal output noong 2017 edisyon ng regional sports meet.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close