DOST-NCR SCIENCE FAIR SA PASIG CITY!

Dahil sa garbo at mahusay na pag-oorganisa ng ating bansa sa isinasagawa ngayong 30th SOUTHEAST ASIAN GAMES, (SEA GAMES) 2019 ay puring-puri at bumubuhos ang suporta mula sa iba’,t ibang mga opisyales tulad sa naging paghanga nitong si OLYMPIC COUNCIL OF ASIA (OCA) VICE PRESIDENT WEI JIZHONG.
Ang mataas na opisyal ng OCA ay NAGBIGAY PAPURI SA PILIPINAS sa maayos na pag-organisa ng 30th SEA GAMES 2019.
Ayon kay WEI JIZHONG, naniniwala siya na kayang-kaya ng PILIPINAS na magsagawa pa ng mas malaking sporting event matapos makita ng personal ang maayos at sistematikong pag-organisa ng SEA Games.
Dagdag pa ni WEI sa isinagawang press conference nitong Lunes, ang slogan na “We Win as One,” hanggang sa fan engagement at sa matapat na pag-amin sa responsibilidad ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa naunang aberya, ay mahalagang bagay upang maging maayos ang pag-organisa sa SEA Games.
“The gold medal is not the only target of the Games and the most important thing is the friendship and we are working for a better future afterwards,” pahayag ni WEI.
“During the opening ceremonies, we witnessed the enthusiasm of all the participants because you allowed the athletes to walk in droves because sometimes they limit the number [of athletes who will parade]. The parade is to honor the athletes, and that just means the Philippines is capable of organizing bigger scale games.”
Si WEI, na naging pangatlong presidente ng FIVB, ay naghayag na ito ang unang pagkakataon na makakita siya ng isang leader ng bansa na humingi ng paumanhin sa tao sa mga aberya ng naranasan ng mga delegadong atleta mula ibang bansa.
Humingi ng dispensa si DUTERTE pati na rin si HOUSE SPEAKER ALAN PETER CAYETANO, pinuno ng organizing committee, sa pagkakamali na naganap at nangako na aayusin ito.
“This is only the first time that I’ve heard the president and the speaker apologize, I’ve never seen that, This is the first time and this means the high authority of the country is keen to provide the best condition,” pagpapahayag pa ni WEI.
Totoo namang kahanga-hanga ang pinakitang pagpapakumbaba ni PRES. DUTERTE at SPEAKER CAYETANO sa mga nakaraang araw. Hindi rin sila natinag sa bugso ng paninira at fake news na intensyunal na ginawa para masira ang kanilang imahe at pangalan.
Bagkus ay pinatunayan nila na sila ay patuloy na magttrabaho para sa bayan at sa mga mamamayang Pilipino.
Hindi sila nabigo na mapahanga ang buong bansa at ang buong mundo sa garbo at makulay na OPENING CEREMONIES ng SEA Games 2019. Tinuturing ito ng karamihan na pinakamagandang seremonya sa history ng international na paligsahang ito.
Patunay lamang ito na handang handa ang bansa sa paghost ng ganitong malalaking sports events.., at ito ay nagpakita rin ng napakaganda at kahanga-hangang karakter ng ating Presidente at House Speaker na hindi ininda ang mga paninira kundi mas nabigyan ng inspirasyon na pag-ibayuhin ang kanilang mga trabaho para sa bayan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close