SEA Games: Foreign teams vs Pinoys’ sa beach volleyball

NAGSIDATINGAN na ang mga foreign teams na sasabak sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open, bago ang paligsahan na nakatakdang subukan ang tikas ng kanilang Filipino Counterparts.
Ang men’s team buhat sa Pacific Island of Palao ang unang dumating kahapon upang paghandaan ang 3-araw na paligsahan na magsisimula sa Biyernes sa Sands SM By The Bay.
Inaasahan rin na dumating ngayon ang Southeast Asian teams Malaysia at Thailand, at teams mula sa Hong Kong at New Zealand.
May kabouang 20 team ang mag rarambolan sa event, na kaloob ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) sa pakikipagtulungan ng Beach Volleyball Republic.
Ang paligsahan ay magsilbing warm-up para sa Southeast Asian Games-bound Philippine team.
“With the wholistic support of LVPI and Rebisco, I am confident that beach volleyball will continue to develop and prosper in our country,” Wika ni team manager Charo Soriano.
Ang Pilipinas ay kinakatawan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, Dzi Gervacio at Dij Rodriguez.
Ang iba pang Filipina na sasabak sa torneo ay rising stars Babylove Barbon, at Gen Eslapor ng reigning UAAP champion University of Santo Tomas, at sand court veterans DM Demontano at Jackie Estoquia ng Sta Lucia.
TopFilipino standouts Edmar Bonono at Jude Garcia, at Krung Arbasto at James Buytrago ang babandera sa men’s side kabilang sina Pol Salvador at Pernie Bagalay.
Huling nag host ang Pilipinas ng biennial event noong 2015, ang pares ng Fil-Am na sina Heidi Ilustre at Diane Pascua na nagwagi ng bronze medal sa Bacolod City.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close