SARAH engaged na kay Matteo, Mrs. Guidicelli na sa 2020

SA wakas! Sa taong  2020 ay opisyal  nang magiging Mrs. Matteo Guidicelli ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo.
Sa Instagram account ni Matteo kamakalawa, ipinost nito ang mga larawan nila ng nobyang singer-actress.
Makikita ang kumikinang ng hinihinalang engagement ring sa daliri ni Sarah.
Sa caption ni Matteo, nakalagay ang “I Iove you forever, my love” na patungkol sa pagmamahal niya kay Sarah.
Sina Sarah, 31, at Matteo, 29, ay may anim na taon nang magkasintahan at panahon na rin naman daw na mauwi na sila sa kasalan.
Nagpahatid din ng mga mensahe ng pagbati ang ilang celebrities sa engagement nina Matteo at Sarah gaya nina Vice Ganda, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Iza Calzado at iba pa.
Masaya rin ang mga tagahanga ni Sarah dahil finally ay lalagay na sa tahimik ang kanilang idolo na nasa tamang edad na rin anya para bumuo ng sariling pamilya.
Hiling lang ng fans ni Sarah na ‘wag daw itong huminto sa showbiz kahit may asawa na.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close