Walang duda si Presidential spokesman Salvador Panelo na mananalong pangulo ng bansa si Davao City Mayor Sara Duterte kung lalahok sa 2022 presidential elections.


Ayon kay Panelo, hindi maikakaila na mataas ang popularidad ni Duterte.
Pero ayon kay Panelo, malinaw ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang sumabak sa pampanguluhang karera ang kanyang anak na si Mayor Sara.
Ayon kay Panelo, dismayado si Pangulong Duterte dahil bagama’t patuloy ang kanyang pagsusumikap na mapabuti ang bansa ay panay paninira at batikos pa rin ang ginagawa ng mga kalaban sa pulitika.
“Well, si presidente kung tatanungin mo ayaw niya, sabi niya nga napaka-thankless job ng panguluhan binubuhos mo na lahat ng iyong panahon, ang iyong kalusugan pero nagiging subject ka pa ng lahat ng uri ng paninirala kaya ayaw niya dahil anak niya e siyempre naawa siya sa anak niya ‘pag tumakbo kasi ‘pag tumakbo yan, siguradong panalo yan,” ayon kay Panelo.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *