BATANGAS LADY MAYORS HINDI RAW KORAP

ISA na namang pambibira at makasaysayang kabanata ang natala sa buhay ng kasalukuyang number 3 man ng Philippine National Police noong nakaraang Huwebes (Dec.5, 2019).
Pormal na ikinabit kasi sa araw na ito ang ikatlong star sa balikat ni Chief of the Directorial Staff P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar.
Katangi-tangi ang petsang ito sa kanyang makulay na police career, dahil mula sa araw na yan ay tatawagin na siyang Lt. General Eleazar.
Kinilala ang namumukod-tanging paglilingkod ni Eleazar sa hanay ng kapulisan sa dami ng naiambag nitong acccomplishment sa PNP, kaya naman 100 + 101 porsiyento na karapat-dapat si Eleazar sa nakuhang pangatlong ‘estrella’ sa balikat.
Sa magaling at kakaibang management style, siya’y naging idolo ng matitinong kapulisan at napalapit sa puso ng mamama-yan.
Pinaparusahan at tinatanggal ni Eleazar sa serbisyo ang sira-ulong pulis, subali’t binibigyan ng reward ang mga matinong alagad ng batas.
Katunayan nito, napakarami na niyang kinasuhan, ipinakulong at tinanggal na mga miyembro ng PNP na kung tawagin ay roque cops.
Isang workaholic general din ang tawag sa kay Eleazar, pagkat 24-oras na siya’y gising, umiikot sa gabi para galugadin ang mga estasyon ng pulisya sa kanyang hurisdiksyon.
Walang pinipiling oras, mapa-gabi, mapa-araw kung magtrabaho dahil sinusubaybayan ang ginagawa ng kapulisan,lalot-higit ay ang drug bust operations.
Personal na sinusubaybayan, naging aktibo ito sa QCPD at NCRPO, dalawang sensitibong posi-syon na kanyang hinawakan.
Hindi na halos mabilang na kri-minal ang nadakip, karamihan ay pusher at adik na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng daang milyong halaga ng droga.
Walang sinasanto si Eleazar, mayaman man, may sinasabi at maging may matinding kapit sa gobyerno o mahirap, basta nagkasala sa batas ay kanyang pinapanagot.
Isang kasaysayan din ang nagawa ni Eleazar nang sa kauna-unahang pagkakataon ay naging best regional police office sa buong bansa ang pinamumunuang NCRPO.
Bilang NCRPO chief, bumaba ang insidente ng krimen sa Metro-Manila, bagay na ikinatuwa ng residente ng Kalakhang-Maynila.
Naging daan naman ang pagsasanib pwersa nina Eleazar at NBP Dir. Gen. Gerald Bantag para sa paggiba sa mga kubol ng mga drug lords sa BUCOR, kung saan ay nadiskubreng ginagawang santuaryo para sa secret drug transaction ng mga bilanggong drug traders ang nabanggit na mga kubol, kaya agad na giniba ito nina Eleazar at Bantag.
Paulit-ulit nating ipagsisigawan at hahayaang umalingawngaw ang walang katapusang pakikigalak kay Eleazar … congrats Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa bago mong promosyon.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *