Yorme tinuldukan ang isyu ng pagtakbong Pangulo

ATRAS na kay Pangulong Rody Duterte ang dalawang water concessionaires, Maynilad at Manila Water, sa pagsingil sa higit P7 billion na napalunan nila sa kaso sa Singapore arbitral court laban sa Philippine government.
Ito’y matapos magbanta si Pangulong Duterte na kanyang kakasuhan ng ‘economic sabotage’ ang naturang concessionares dahil sa aniya’y “onerous” contracts na nangyari noong administrasyong Ramos (FVR) at Arroyo (GMA).
Dinemanda kasi ng Maynilad at Manila Water ang gobierno dahil nalugi raw sila sa hindi pagpayag ng gobierno na magtaas sila ng rate simula nang makuha nila ang pamamahala sa tubig sa Metro Manila.
Dahil sa naging aksyon ni Pangulong Duterte, natakot ang gahamang water concessionares na Ayala at Pangilinan na makasuhan ng economic sabotage na maari nilang ikakulong at makalkal pa ang mga problema nila sa BIR. Hindi na raw nila hahabulin o sisingilin ang gobierno sa naging panalo nila sa arbitral court, at hindi narin sila magtataas ng rate sa tubig ngayong 2020. Ayos!
Ang ipinagtataka lang natin, bakit ang law firm na ACCRA ang pinag-iinitan ni Pangulong Duterte na kanyang ipakukulong kapag hindi raw makipagmiting sa kanya sa Malakanyang sa halip na sina dating Pangulo Fidel Ramos at Gloria M. Arroyo.
Ang ACCRA raw kasi ang gumawa ng kontrata na ayon sa pangulo ay masyadong onesided, dehadong dehado ang gobierno.
Pero hindi ba ang ginawang kontrata ng naturang law firm na pinamumunuan ni dating Senador Edgardo Angara ay dumaan din sa rebyu ng economic managers at grupo ng abogado ng pangulo? Bakit hindi sina FVR at GMA ang kastiguhin o kasuhan dito ni Pangulong Digong? Nangyari ang “onerous” contract sa magkasunod administrasyon ng dalawang ito.
Oo nga pala… hindi puwedeng kalabanin ni Pangulong Duterte sina FVR at GMA dahil ang dalawang ito ang nagpatakbo at nag-finance sa kanya noong 2016 election. Mismo!
Anyway, pasalamatan natin si Pangulong Duterte sa pagsupil niya sa mga abusadong water concessionaires at napigilan ang pananamantala ng mga ito sa mamamayang Filipino.
Mabuhay ka, Pangulong Digong!

Paliwanag ng Manila Hawkers

Good am po Sir Joey. Si Sammy Dueñas po ito ng Hawkers. Hindi naman po kami ganun… sa katunayan ‘yung Ylaya at Juan Luna ay zero vendor na. ‘Yung M.D. Santos pinapayagan po sila sa bangketa lang at ‘yung sinasabi nilang vendors sa kalsada ay puro mga bata po ang mga nagtitinda, nakipag-coordinate na po kami sa DSWD para mag-clearing kami para ma-rescue po ang mga batang vendors. Makakaasa po kayo na ‘di namin bibiguin ang magandang nasimulan ni Mayor Isko. Maraming salamat po. – Sammy Duenas, Hawkers Manila
Salamat sa reaksyon at paliwanag, pare ko…

Overall champ ang Pilipinas sa SEA Games

Congratulations sa ating mga atleta, coaches, managers at sa organizers sa matagumpay na pag-host ng Pilipinas sa SEA Games. Overall champion po tayo!!! Nakahakot ang Team Philippines ng 149 golds, 117 silvers at 120 bronze na may kabuuang 386 medals. History na ito sa SEAG. Mabuhay ang Pilipinas!!!

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *