Pagkamatay ng PMA cadet dahil sa hazing pinaiimbestigahan

INIHAYAG ng Makati Medical Center na nilabag ni Sen. Koko Pimentel ang quarantine at infection  control protocols matapos nitong samahan ang kanyang misis na nakatakdang manganak sa naturang pagamutan.
Ipinalabas ni Dr. Saturnino Javier, Medical Director ng MMC, hindi dapat nagpunta sa MMC si Sen. Pimentel  kahit na manganganak pa ang kanya ng misis dahil  hindi pa tapos ang kanyang quarantine period.
Tinawag ng MMC na iresponsable at reckless ang Senador dahil hindi nito isinaalang-alang ang pangamba na maaring mahawa ang mga health care workers ng ospital.
Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng MMC na sumailalim na sa disinfection ang buong Delivery Room Complex at ligtas na itong gamitin.
Isinailalim na rin sa quarantine ang mga health care workers na nakaharap ng mag-asawa.
Umaasa ang MMC na wala sanang nahawa sa kanilang mga health care workers dahil na rin sa kakulangan ng mga mag-aasikaso sa kanilang pasyente.
Samantala, nilinaw ni Sen. Pimentel at ng misis nitong si Katrina, na hindi alam ng senador na positibo siya sa Covid 19 nang magtungo sila sa ospital.
Nalaman lamang umano nila na positibo ang senador noong nakarating na sila sa MMC at saka natanggap ang tawag na positibo siya.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *