‘BIG BANG’ IBINABALA NG PHIVOLCS

NAGBABALA kahapon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang mga nakikitang bitak malapit sa Taal Volcano ay senyales na posibleng magkaroon ng malakas na pagsabog.

Ang mga lugar na nakitaan ng bitak ng lupa ay mga bayan ng Lemery, Agoncillo, Talisay, at San Nicolas sa Batangas.
Bukod sa mga bitak, natuyot din ang mga ilog sa Lemery at Laurel, at bumaba ang dagat ng hindi pangkaraniwang lowtide.
Ayon kay PHIVOLCS Volcano Monitoring Division Chief, Ma. Antonia Bornas, ang mga nakitang fissures ay senyales na aktibo at maraming magma sa bulkan.
Giit ni Bornas, papayagan lang ang mga residenteng bumalik sa kanilang mga tahanan kapag ibinaba na sa alert level 2 ang bulkan na hanggang kahapon ay nananatili sa alert level 4.
Pinapayuhan ng PHIVOLCS na lumikas na ang mga residente sa mga lugar na may bitak ang lupa gayundin ang mga nasa Volcano Island, sa paligid ng Taal Lake, at sa mga high risk areas o 14 kilometers mula sa main crater.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *