PINAKAMAYAMAN paring miyembro ng 3rd Regular Session ng 17th Congress ang port tycoon na si 1-PACMAN Party-list Representative Mikee Romero.
Batay sa summary ng December 2018 Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga kongresista, nagtala si Romero ng P7.86 billion na net worth, mas mataas ng P570 million kumpara sa P7.29 Billion na net worth niya noong nakaraang taon.
Pumangalawa naman sa pinakamayamang kongresista si Negros Occidental Rep. Albee Benitez na may P1.017 Billion net worth, habang pangatlo si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na may P924 Million.
Pasok rin sa Top 10 sina Quezon City Representative Sonny Belmonte, P864.752m; Manila Teachers Partylist Rep. Virgilio Lacson, P793. 872m; Marikina Rep. Bayani Fernando, P748 ; Davao Del Norte Rep. Tonyboy Floirendo, P714.601m; Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, P555.324m; Leyte Rep. Yedda Romualdez, P487.61; at si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, P480m.
Samantala, sa 291 na mga kongresista, pinakamahirap parin sa mga mambabatas si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago na mayroong declared net worth na P85,400 .

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *