Robredo kumasa na sa hamon ni Duterte... ‘HANDA NA BA KAYO SA AKIN?’

Ito ang matapang na pahayag ni Vice President Leni Robredo kasunod ng pagtanggap niya sa alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging co-Chairperson ng Inter Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Robredo, tinanggap niya ang alok na maging bahagi ng war on drugs ng Pangulo dahil tutol siya sa pagpatay sa mga inosenteng tao at sa pang-aabuso ng mga opisyal.
Marami aniya ang nagpayo sa kanya na tanggihan ang alok dahil isa umano itong ‘trap’ at nais lamang siya siraan at pahiyain, at naghahanap lamang ng damay ang administrasyon dahil sa palpak na war on drugs, subalit naisip aniya na kailangan niyang umaksyon upang matigil na ang pagpatay sa mga inosente at panagutin ang mga dapat managot.
Dagdag pa ni Robredo, sa natitirang dalawa at kalahating taon ng administrasyong Duterte ay titiyakin niya na hindi siya magsasawalang kibo sa mga pang-aabuso ng mga opisyal. Una pa lamang aniya ay alam na ang Pangulo na tutol siya sa extrajudicial killing. (Jonah Mallari)

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close