MATAPANG na  sinagot ng isa sa  mga ehekutibo ng ABS-CBN na si Ethel Espiritu ang mga post ni Robin Padilla sa kanyang Instagram.
Post niya, “Maglabasan na tayo para makita ng publiko let us give it to them tutal napakadrama niyo gawin na nating teleserye punuin na natin ng revelations ang isyu na ito na dapat pinag-uusapan sa korte at congress.”
Dito na sumagot si Ethel, “Ganito na lang, mahabang panahon ka ding nagtrabaho sa ABS-CBN, kasama ang asawa mo, kapatid mo, mga pamangkin mo at ang tinatawag namin nung Kamag-anak Corp. Sa haba ng panahon na ‘yun if may napansin ka na palang mali sa pamamalakad esp sa mga trabahador, bakit hindi mo pinaglaban?”
Sagot ito sa sinasabi ni Robin na naaawa siya sa maliliit na trabahador na kakarampot ang kita kumpara sa talent fee ng mga artista.
Post pa ni Ethel, “Kontrata pala hamon mo. Napakalaki ng per taping mo. Kung talagang makabayan makatao ka dapat pala shinare mo sa kanila ang blessings mo. Lahat ng issues mo dapat pala nun mo pa pinaglaban. San ka nun? Sino presidente nun. Ahhh, Noted?
We’re sure hahaba pa ang isyung ito na dahil sa pagiging aktibo ni Robin sa usaping ito ay nadadamay ang mga kamag-anak niyang nagtatrabaho sa Kapamilya na lumalaban para hindi maipasara ang ABS-CBN. Pero binigyang diin din naman ng aktor na kani-kaniya sila ng opinyon.

***

FEELING nostalgic kami nang mapanood ang ABBA Mania last February 13 sa New Frontier Theater.
Bagaman hindi na sila ang orihinal na singers, hindi naman nalalayo ang kanilang mga tinig sa mga tunay na ABBA. Nagkaroon kami ng pagkakataong makatsikahan sila bago ang show kinagabihan. Pangatlong pagkakataon na pala nila itong bumalik sa Pilipinas. Kahit pa may banta ng corona virus sa mundo, hindi sila nagdalawang isip na ituloy ang show kahit pa may mga foreign concert na nag-cancel.
Musmos pa kami ay naririnig na namin ang mga awitin ng ABBA kaya naiyak kami na maisabuhay muli ang mga pinasikat nilang kanta tulad ng Mamma Mia, Chiquitita, The Winner Takes It All, Thank You for the Music at Dancing Queen. Game na nagsayaw ang audience na pansin namin ay shundaers na halos.
Wala nang millennial. Obviously hindi naman na inabutan ng henerasyon ngayon ang grupo.
Mahusay din si Elle Adda na naging front act ng Abba Mania. Sa production ni Mr. P o mas kilala bilang si Joed Serrano. Nagtanghal din ang grupo sa The Tent at Solaire no’ng Valentine’s Day at no’ng February 15 naman sa San Fernando, Pampanga.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *