Rider sumalpok sa bus, nagulungan, pisak

PATAY ang isang motorcycle rider matapos mabangga sa pampasaherong bus habang binabagtas ang Commonwealth Avenue sa Quezon City kahapon ng umaga.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang aksidente sa tapat ng Shopwise – Commonwealth.
Nabangga ang motorsiklo sa gilid ng bus, dahilan para sumemplang ito at nagulungan ng bus ang rider.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima.
Nagdulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapik sa lugar.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close