MARIING sinabi ni dating Butil Partylist Rep. Cecil Chavez na napakaraming butas at bahid ang Rice Tariff law sinamahan pa ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) at walang konsultasyon sa maliliit na magsasaka.
Itinuring din ni Chavez na isang “bond-aid solution” lamang umano ang P10 bilyong RCEF bilang ayuda sa mga maliliit na magsasaka.
“Halos walang maitutulong ang P10 bilyong pondo upang makahon sa kahirapan ang mga magsasaka dahil hindi ito ang ugat ng problema,” sabi ni Chavez.
Paliwanag ni Chavez ginamit ang rice tarrification law upang maibaba ang inflation rate o pagmahal ng presyo ng mga bilihin.
Subalit nang maipatupad ang batas, bumuhos sa bansa ang tatlong milyong metriko tonelada ng bigas mula sa Vietnam.
“The recklessness of the rice imports and the total imperviousness to the impact of the unlimited imports on the small rice farmers was hard to comprehend,” dagdag pa ni Chavez.
“The details of the amelioration program, that includes mechanization, seed distribution and a questionable credit program are not simply rooted on sound farm economics and agronomy,” pahayag ng dating mambabatas.
Dahil dito, hiniling ni Chavez sa gobyerno na suspindihin muna ang implemantasyon ng Rice Tariffication law at muli itong pag-aralan kung naging epektibo ang implementasyon nito.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *