KAHIT hirap,  happy na rin si  Rhian Ramos sa kanyang long distance relationship sa boyfriend na Israeli na si Amit Borsok.
Mag-iisang taon na rin ang kanilang relasyon na hindi akalain ni Amit na magiging girlfriend niya si Rhian.
Kuwento ng aktres, hindi pa raw siya handa noon sa panibagong relasyon ilang buwan matapos ang hiwalayan nila ng ex-dyowang si Jason Choachuy.
Aniya, hindi niya nagustuhan noon ang approach ng kanyang boyfriend nang yayain siya sa isang date.
Pero hindi naging daan ito para kay Amit na sumuko. Kinuha umano niya sa tiyaga si Rhian kahit pa abutin siya ng isang buwan sa pagyayaya sa aktres.
Dahil sa tiyaga, nakuha naman ni Amit ang simpatiya ni Rhian.
Isa raw sa katangian ni Amit na nagustuhan ni Rhian, pati anya ang kanyang mga magulang ay niligawan nito para mapalapit sa aktres.
Nagustuhan din daw ni Rhian ang pagiging masigasig ni Amit.
Ani Rhian, kahit anong ipagawa niya kay Amit at kahit under time pressure, agad daw na ginagawa nito at mas maaga pa sa oras na tinakda niya.
Sa ngayon ay tutok na muna si Rhian sa bago niyang teleserye na “Love of my Life” kasama sina Carla Abellana, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes.

***

OPISYAL nang Kapamilya ang tatlo sa mga kilalang pangalan sa showbiz industry: Ivana Alawi, Tony Labrusca, at Donny Pangilinan matapos pumirma ng kani-kanilang kontrata sa ABS-CBN kamakailan.
Ani Ivana, na kasalukuyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsiyano, “Isa itong dream come true. Matagal ko nang gustong maging parte ng network na ito, at ito na ang araw na ‘yun.” Pumirma rin ng kontrata si Ivana sa Star Cinema at Star Music.
Samantala, nagbigay naman ng patikim ang James & Pat & Dave star na si Donny sa mga proyektong ginagawa ngayong taon, kabilang ang isang bagong music release na kanyang inilarawan bilang “naiiba sa kaniyang mga nailabas noon.”
Isang horror movie, bagong teleserye, at isang iWant Originals series kasama si Julia Barretto; ilan lamang ito sa mga proyektong nakahain ngayong 2020 para kay Tony.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *