Respiratory infections dumapo sa karamihan sa Taal evacuees

IDINADAING na ngayon ng karamihan sa evacuees ang iba’t ibang sakit na kanilang nararamdaman bunga ng ashfall ng Taal Volcano.
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na nasa 50 hanggang 60 porsiyento ng 2,342 evacuees na nagpakonsulta sa DOH ay nagrereklamo na dahil sa respiratory infections na kanilang natamo.
Bukod dito, may ilan din na nakakaranas ng hypertension, diarrhea, skin infections o lesions, influenza-like illnes, at eye irritations.
Gayunman, sinabi ng kalihim na nakahanda ang mga health workers mula CALABARZON, MIMAROPA, Region 3, at National Capital Region para tulungan ang mga evacuees.
May sapat din aniya silang supply ng gamot para sa mga evacuees.
Sa katunayan, ayon kay Duque, aabot na sa P9 million halaga ng supplies at tulong sa evacuation centers ang naibigay na ng DOH.
Nabatid na mahigit 70,000 indibidwal mula Batangas, Laguna, at Cavite ang pansamantalang nanunuluyan sa 300 evacuation centers kasunod ng phreatic eruption ng Taal Volcano noong nakaraang Linggo, Enero 12.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *