Relax lang! Sen. Koko pinaalalahanan si Digong sa VFA

NUNG Linggo, Enero 12, ay naging topic ko sa kolum na ito ang reklamo ng kamag-anak ng isang inmate sa BJMP Manila Annex sa Bicutan tungkol sa pagbayad nila ng P1,500 sa drug test para makalabas na ng rehabilitation.
Pero makatapos daw silang magbayad nung Disyembre 2019 ay hindi parin sila na-drug test hanggang ngayon. Hindi raw sila binigyan ng resibo sa pagbayad nila ng naturang halaga. Hindi narin daw matagpuan ang binigyan nila ng pera na nagngangalang “Irish Arochay”.
Kahapon, muli akong nakatanggap ng text sa ibang kaanak naman ng inmate sa Bicutan.
Narito ang kanyang text: “Magandang umaga, Sir Joey. Mag-followup po ako dun sa Irish Arochay, Sir Joey. Na-drug test na po ‘yung kapatid ko ng Dec. 20, 2019. May resulta narin po, pero hindi pa lumalaya kasi raw po wala pa si Ma’am Arochay. Nagbayad din po kami ng P1,800 para lang po ma-drug test siya agad. Pero hindi pa rin po nagpapakita si Arochay. Pati po mga ibang pinangakuan na ipa-drugtest po nagbayad na.
Nabasa ko po kasi kahapon ‘yung tungkol dun kaya po naisipan ko na mag-follow-up din po ako sa kaso ng kapatid ko. Grabe po kasi sila dyan, Sir Joey. Alam po namin walang bayad ang drug test, bakit nanghihingi ng bayad? At nagtataka lang po ako, Sir Joey, bakit sa higpit ng searching nakalulusot parin ang celfone dun? Sigurado po may lagay ‘yun sa empleyado. Imposibleng hindi makita ang celfone?”
Tinanong natin ang texter kung ano ang kaso ng kanyang kapatid: “Drug case po, Sir Joey. Dun daw po sa rehab sa Bicutan siya dina-drugtest. Nakuha agad resulta pero wala na po balita kung kailan po siya lalabas. Sabi po kasi ‘pag natapos na drug test back to jail sa Manila tapos laya na po. At yung pera po na iniiwan dun sa magse-search minsan po 2 days pa bago nila makuha, coupon po binibigay hindi pera. Balita po kasi iyon ay ginagamit para dun sa COOP, pera nila ginagamit na pambili naman ng paninda ng COOP. Pera na daw po nila hindi pa mahawakan. Maaksiyunan po sana agad mga reklamo dun sa Manila Jail Annex Bicutan.” – Kapatid ng inmate
Minabuti kong huwag ilagay ang celfone number ng texter para sa seguridad ng kanyang kapatid sa loob ng rehabilitation.
Kahapon, nakatanggap din ako ng text. Mula raw sa Manila City Jail Annex: “We just read the news article published yesterday (Linggo) regarding sa bayad sa drug test ng BJMP inmates. Kung puede sana kami mag-explain regarding this matter. Thank you.”
Of course explanation ang hanap natin dito para masagot ang reklamo ng mga nagrereklamo. Ibinigay ko sa kanila ang email address ko. Hoping na ma-email nila agad ang kanilang paliwanag at atin itong bibigyan- daan sa pitak na ito. Hihintayin natin ito…

Kumalat ang fake news sa pagputok ng Bulkan Taal

SA pagputok ng Taal Volcano nitong Lunes, kumalat agad ang fake news sa social media. Ito po ay gawa ng mga tarantadong blogger, hindi ng legit journalist.
Kaya ang payo natin sa ating readers, huwag kaagad i-share ang mga balita o larawan na hindi galing sa lehitimong media outlets para makasiguro na tama ang impormasyong ipinakakakalat at hindi magkahetot hetot ang buhay natin. Mismo!

  • 12
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    12
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *