NAGPIYANSA ang kolumnistang si Ramon Tulfo sa kasong libel at cyber libel na isinampa sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sa Nov. 8 order na pirmado ni Manila Regional Trial Court Branch 12 Judge Renato Enciso, naglagak ng piyansang P60,000 si Tulfo upang maiwasang makulong habang dinidinig ang kaso.
Sa nasabi ring order, inutos din ni Judge Enciso ang pagbawi sa warrant of arrest na inilabas laban kay Tulfo at sa pagtalaga ng arraignment sa Nov. 26, dakong 8:30 ng umaga.
Nauna rito, nagsampa ng kaso si Medialdea laban kay Tulfo sa serye ng kolum na inilabas sa The Manila Times na umano’y nakasira sa kanyang malinis na pangalan.
Ang mga kolum na ito kasama na ang inilabas noong July 20, na may pinamagatang “There goes Cayetano as House Speaker, also Medialdea,” kung saan inakusahan ni Tulfo ang executive secretary na naglabas ng memorandum na wala umanong kaalam-alam ang pangulo, upang atasan ang lahat ng government agencies at government-owned and controlled corporations na suportahan ang kontrobersyal na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation; at ang July 25 na kolum kung saan inakusahan ni Tulfo si Medialdea na inupuan ng isang taon ang apela ng isang Felicito Mejorada sa claim nito sa P272.02 milyon na government reward money.
Sinabi ni Mejorada na nagbigay siya ng tip sa pamahalaan na nagdulot umano na masawata ang planong smuggling sa Mariveles, Bataan noong 1997.
Sa July 25 kolum, inakusahang muli ni Tulfo si executive secretary na nasa likod umano ng isang Vianney D. Garol na humingi ng P72 milyon mula kay Mejorada bago maibigay ang reward money.
Tahasang itinanggi ni Medialdea ang mga akusasyon at sinabing wala siyang inilabas na memorandum na nagpapabor sa PHISGOC, at sinabing ang apela ni Mejorada ay naksyunan sa loob ng tatlong buwan.
Itinanggi rin ni executive secretary na kakilala niya si Garol, na ayon sa rekord, ay isang project development officer II sa ilalim ng Office of External Affairs-Davao on Aug. 1, 2005.
Si Garol ay hindi na umano empleyado simula pa noong Dec. 31, 2005.
Kinakaharap din ni Tulfo ang kasong libel at cyber libel mula sa ibang government officials, kasama na ang Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon kay Dulay, foul ang sinabi ni Tulfo sa kolum nito sa The Manila Times kung saan inakusahan isya na may “skeletons in the closet at the graft-ridden agency,” kung saan pinalabas na siya ay “insatiable greedy extortionist, a cheat and a corrupt official in Digong’s government,” at inakusahan din siyang may kinalaman sa “compromised” payment ng P65 milyon sa halip na “huge delinquent tax amounting to P8.7 billion” mula sa Del Monte company.
Ayon naman kay Aguirre, ang sinulat ni Tulfo ay “malicious, libelous and defamatory” sa inilabas pa sa Facebook posts kontra sa dating justice secretary noong April, June at July.
Ang mga kolum, ayon kay Aguirre ay nagpapahiwatig na siya ay protektor ng human trafficking syndicate sa Ninoy Aquino International Airport, at pinalalabas na siya ay tumanggap ng pera mula sa mga sindikatong ito.

  • 4
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    4
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close