RADIO BROADCASTER PATAY SA AMBUSH

PATAY ang isang radio broadcaster nang tambangan ng 2 armadong lalaki sa Dumaguete, Negros Oriental kahapon ng umaga.
Nakilala ang biktkma na si Dindo Generoso y Patromonio, 67 anyos, broadcaster ng DYEM station ng Barangay Banilad, Dumaguete City.
Ayon kay SMS Deloria, 7:30 ng umaga nang maganap ang ambush sa may Bgy. Piapi,.
Binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Hibbard Ave papasok ng trabaho habang minamaneho ang kanyang kulay kaki na Hyundai Elantra (YKU 946) nang pagsapit sa nasa-bing barangay ay tinapatan ng 2 salarin na sakay sa isang motorsiklo ang kanyang sasakyan at pinagbabaril ng ilang ulit. Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na nasawi nito noon din. Mabilis na tumakas ang mga salarin sa ‘di nabatid na direksyon.
Nakakuha ang mga otoridad ng ilang basyo ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng ba-ril sa pinangyarihan ng insidente.
Nabatid na si Generoso ay kumandidato sa pagka-mayor ng Dumagete City noong 2016 at natalo kay incumbent Mayor Felipe Remollo.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkaka-kilanlan ng mga aalarin para sa agarang pagkakadakip ng mga ito.
Kabilang sa tinitingnan na anggulo ng mga otoridad kung mayroon kinalaman sa trabaho ng biktima ang motibo ng pamamaril.

  • 6
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    6
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close