CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang dalawang barangay health workers (BHW) nang araruhin ng lasing na truck driver ang mismong Community Quarantine Control Point sa kahabaan ng Sayre Highway, Camp-1, Maramag, Bukidnon, 11:50 Biyernes ng gabi.
Ayon kay Lt. Col Casan Ali ng PNP Bukidnon, nagtangka pang tumakas ang driver ng truck na nakilalang si Jemuel Ompoc.
Paliwanag ng driver, hindi niya nakitang may tao sa checkpoint kung kaya’t kumaripas ito ng takbo.
Dead on the spot sina Jomalyn Buhayon, 34; at Margie Maribao, kapwa mga BHW ng Camp-1 habang namatay naman sa ospital si Bgy. Kagawad Aldren Gaitera.
Nasa malubha namang kalagayan ang isa pang health worker na si Beth Lumanca.
Samantala, bagsak sa kulungan ang driver at nahaharap ito sa patung-patong na kaso dahil kasama sa kanyang sinagasaan ang dalawang motorsiklo at isang mini van sa lugar.
Sa ngayon, mas hinigpitan pa ng PNP ang inilagay na checkpoint sa Bukidnon dahil isinailalim na ito sa lockdown dahil sa epekto ng COVID-19. (Mark Obleada)

***

1st COVID-19 case sa La Union,  tumama sa Mayor at misis

LA UNION – Isinailalim na sa lockdown ang dalawang bayan sa La Union matapos makapagtala ng unang kaso ng Coronavirus 2019 (COVID-19).
Kabilang dito ang bayan ng Naguilian at Caba, La Union.
Una rito, nagpositibo sa COVID-19 ang mag-asawang Caba Mayor Philip Crispino at Sanguniang Bayan member Donna Crispino base sa public statement ng mga ito.
“It is with great sadness that we publicly announce that we are positive for the coronavirus disease 2019 (COVID-19) per DOH-RITM results as relayed by the DOH Center for Health Region 1.”
Bilang pagsunod sa mandato ng Department of Health, sila ay nag-self quarantine sa loob ng 16 araw kungsaan nakitaan ang mga ito ng minor symtoms.
“We practiced self-protection measures but still we got contaminated with minor symptoms. This shows how easily the virus is spread. But thank God Almighty, we, Mayor Philip and Sanggunian Bayan Member Donna, are in very stable condition and in excellent health.”
Ang mag-asawang Crispino ang unang COVID-19 positive case sa buong Hilagang Luzon.
Patuloy naman ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mag-asawa.

5 timbog sa P9.7m shabu  sa Cebu buy-bust

ARESTADO ang limang indibidwal habang nakumpiska ang nasa P9.7 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust sa Barangay Nangka, Consolacion, Cebu nitong Biyernes.
Kinilala ang mga suspek na sina Ronel Dayaganon Giganto, 27; Francesco Cabahug Garofalo, 27; Rico Dela Cruz Uy, 19; Ronie Etcobanez Conol, 29; at Josephine Dela Cruz Uy, 21.
Sa report, pinaghahanap pa si Cela Solliano Dela Cruz, 26, na nakatakas.
Sa ngayon, nakapiit sa Consolacion Police Station ang lima habang hinahanda na ang kasong isasampa.

Higit P5.2M cocaine,  shabu nahuli sa Quezon

NAGA CITY – Mahigit P5-milyon halaga ng cocaine at shabu ang nakumpiska sa dalawang itinuturing na high value target (HVT) sa bayan ng Real, Quezon.
Sa ulat, isinailalim sa buy bust operation ang mga suspek na sina John Paul Avellano Astoveza, 22; at Mark Aljon Larita Buendicho, 26.
Unang nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P340.
Ngunit nang inaresto na ang mga suspek, nakuha pa sa panganga-laga ni Astoveza ang isang sachet ng shabu na nasa mahigit P400 ang halaga, at isang plastic bag na may laman naman ng cocaine na nasa 990 grams na tinatayang nasa P5.2-milyon.
Maliban dito, narekober pa kay Buendicho ang isang sachet na mahigit P200 ang halaga.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *