2 holdaper huli nang matunton ang ginamit na get-away taxi

SINALAKAY ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang ‘wellness center’ sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa ulat ng MPD-Police Station 3, ginagawang sex den ang DLS Wellness center na matatagpuan sa 1663 Ma-labon St., Sta. Cruz.
Dalawang lalaki ang inabutan ng mga operatiba sa loob ng establishment at inaresto. Kinilala ang mga ito na sina Marvin John Villavicencio at Edwin Bermudez.
Ayon sa MPD, nilabag ng wellness center ang Republic Act 9208, Anti-Trafficking in Persons Act.
Nasa kustodiya ng MPD-PS 3 na sina Villavicencio at Bermudez para sa isinasagawa pang imbestigasyon.
Samantala, umabot sa 23 kababaihan ang nasagip sa naturang prostitution den.
Nasa edad na 19 hanggang 40-anyos ang mga kababaihan na ginawa nang hanapbuhay ang pagbebenta ng katawan upang kumita ng pera.
May mga maliliit na kuwarto sa ikalawang palapag na tanging kurtina lamang ang harang sa pintuan kaya naman madali silang napasok ng mga operatiba at nabulaga habang gumagawa sila ng kahalayan.
(Jocelyn Domenden)

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *