Para sa 2022! Non stop na si Leni sa pag-iikot

SA press conference ni PDEA Director Aaron Aquino kamakailan, sinabi niyang may mataas na media personalities ang protektor ng mga nagpapakalat ng iligal na droga.
May mga mambabatas at local politicians rin daw na sangkot dito.
Marami rin aniyang celebrities ang sabit sa kalakalan ng mga bawal na gamot.
Ang mga ganitong statement ni Aquino ay paulit-ulit nalang. Matagal na niyang binabanggit ito sa kanyang mga press conference, wala namang hinuhuli, walang nakakasuhan.
Oo! Tukoy na pala ng PDEA ang mga sangkot sa pagpapakalat ng illegal drugs, eh bakit hindi pa ikahon ang mga yan para hindi na makapagpakalat pa ng mga naka-kabuang na droga?
Nakatatlong taon na yata si Aquino sa puwesto at tatlong taon narin ngayon na paulit-ulit nyang sinasabi ang mga personalidad na ito na sangkot kuno sa illegal drugs, bakit hindi pa arestuhin ang mga ito? Puros blind items lang!
Si Peter Lim na ipinangalandakan nilang biggest drug lord sa Visayas, bakit hindi pa nahuhuli? Nasaan na ba ang Tsinoy na ito? Nag-courtesy call pa ito noon kay President Digong ah?
‘Yung mga nagpuslit ng bilyon bilyong halaga ng shabu sa Bureau of Customs at natumbok sa isang warehouse sa Valenzuela, bakit hindi pa napaparusahan? Dahil ba dikit sila sa presidential sons?
Yung mga nasa likod ng iron lifters na palaman ay shabu na nagkakahalaga ng kung ilang bilyon, bakit din parin natutukoy ang nagpasok nito sa Pinas? Wala bang papel ito kung saan galing at kung kanino papunta? Hindi naman ikakarga sa barko yan ng walang taong nakipagtransaksyon at mga papel. Rite?
Again, gusto nating isapubliko ni Aquino ang pangalan ng mga sinasabi niyang media personalities na sangkot o protektor ng iligal na droga, hindi yung puros blind items lang, lumalabas lang na hearsay!
Ito ba ‘yung media personalities na malupet magmura sa radio at TV?
Yes! Kung talagang tukoy ni Aquino ang mga politiko lalo mambabatas na nasa likod ng drug lords o bigtime drug pushers, bakit hindi ito pangalanan at kasuhan para makulong at hindi na makabalik pa sa kapangyarihan!
Ang celebrities na sangkot sa droga, dakmain na!!! para hindi na idolohin ng kabataan o ng mga nahuhumaling sa mga artista.
Para anupa’t naglunsad ng ‘war on drugs’ kung puros blind items lang ang babanggitin ng pamunuan ng PDEA sa publiko?
Higit 2 years nalang ang administrasyong Duterte tapos panay parin blind items itong si Aquino. Tsk tsk tsk…
Ang presscon kamakailan ng PDEA, sa tingin ko ay ginawa dahil sa nakatakdang pagsapubliko ni dating inter-agency committee on anti-illegal drugs (ICAD) co-chair Vice President Leni Robredo sa kanyang mga nalalaman sa war om drugs sa Lunes.
Si VP Leni ay 19 days lamang nanungkulan sa ICAD matapos siyang sipain ni Pres. Digong dahil wala naman daw itong mga malinaw na plano at programa para masawata ang talamak na illegal drugs sa bansa.
Si VP Leni ay itinalaga noon ni Pres. Digong sa ICAD matapos punahin ng una ang umano’y “sablay” na war on drugs.
Anyway, abangan natin sa Lunes kung ano ang isisiwalat ni VP Leni about war on drugs. Tutukan!

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *