INARESTO ng mga elemento ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) ang isang pulis na operator at protektor ng illegal gambling na Suertres at kasama nitong sibilyan sa operasyon sa Cebu City.
Nakilala ang nadakip na pulis na si Staff Sergeant Carlito Tinoy, 41-anyos, miyembro ng PRO7’s 701st Regional Mobile Force Battalion 7 ng Sitio Sudlon, Lahug, Cebu City; at kasamang sibilyan na si Joven Igam, 42, ng Sitio Upper Kalunasan, Cebu City.
Ayon sa ulat, 8:45 ng gabi nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng IMEG Visaya Field Unit ng PRO7 Regional Special Operations Group, at Regional Intelligence Division ng RMFB7 sa Cebu City Police Office sa Sitio Sudlon, Lahug.
Isinagawa ang operasyon base sa mga report na patuloy ang illigal gambling partikular ng “Suertres” na ino-operate ng nasabing pulis.
Ang Suertres ay palaro ng PCSO Lotto.
Dinala ang mga naaresto sa PRO 7 Regional Investigation Division. Sasampahan ng kasong Administrative at paglabag sa Republic Act 9287 at RA 3019 ang pulis.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

One thought on “Pulis operator/protektor ng iligal na sa ‘Suertres’ arestado”

  1. I beloved as much as you’ll obtain performed right here. The comic strip is tasteful, your authored subject matter stylish. nevertheless, you command get got an shakiness over that you would like be delivering the following. unwell undoubtedly come more until now again since exactly the same just about very often inside case you protect this hike.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *