Kulang sa cremation facilities ang Pilipinas para sa mga namatay sa COVID-19, at sa mga suspetsyadong namatay dahil sa virus, ayon sa funeral service industry sa bansa.
Ayon kay Jojo Flores, president ng National Federation of Mortuary Stakeholders na kulang ang public crematory para isagawa ang lahat ng pagki-cremate sa mga nasabing bangkay kung kaya’t hinihiling niya na sana buksan din ang mga private crematorium.
Ang pakiusap, kasunod ng naging atas ng Department of Health para sa mga funeral home na i-cremate sa loob ng 12 oras ang mga namatay dahil sa COVID-19 at maging ang mga person under investigation.
Ayon pa kay Flores na ang ilang funeral homes sa Metro Manila, walang kakayahan magsagawa ng pagki-cremate, samantala ang ilang private crematories, hindi umano tumatanggap ng COVID-19 fatalities.
Isiniwalat din ni Flores ang kakulangan ng personal protective equipment (PPE) para sa mga staff ng funeral homes, kung kaya ang iba ay napipilitan na lang mag-improvised.
Malaki din ang naging epekto sa kanilang industriya ng paglilimita sa paglalamay sa mga patay dahil kumokonte ang kanilang sineserbisyuhan.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *