PROGRAMA PARA SA BENIPISYO NG MANILEÑO DODOBLEHIN NGAYONG ‘ETNEB ETNEB’ - ISKO

“IHANDA ang inyong sarili sa isang abalang taong puno ng ibayong lakas.”
Ito ang sinabi ni Mayor Isko Moreno sa lahat ng opisyal at kawani ng Manila City Hall kasabay ng pangakong dodoblehin ang lahat ng mga programang magbibigay benipisyo sa lahat ng mga taga-Maynila sa isang buong taon.
“The first six months were very challenging. Ating dagdagan ang ating energy… brace yourselves because this will be a very busy year… we won’t stop with what we’ve begun..we just started and we will continue giving what is due for the people of Manila in general,” ayon kay Moreno.
Idinagdag pa ni Moreno na: “Hindi dapat pakinabangan ng iilan ang dapat na pakinabangan ng lahat… ‘di dapat na tinatamasa ng iilan ang para sa lahat… panahon natin ngayon… etneb etneb na and color of the year is blue.”
Nanawagan si Moreno sa lahat ng opisyal, empleyado at residente ng Maynila na tulungan ang pamahalaang lungsod na makamit ang iisang layuning mapaganda ang buhay ng bawat isang Manileño.
“I want you to someday be proud… darating ang time magre-retiro kayo and you will ask yourself—what have I done for the city? Ano ang naging share ko sa katayuan ng lungsod na aking pinaglingkuran?”ani Moreno.
Sinabi pa ng alkalde na ang mga naninilbihan sa City Hall ngayon ay dapat na gawing kapaki-pakinabang ang kanilang pagiging bahagi ng isang organisasyon na maaaring magresulta ng magandang buhay para sa kanilang kapwa mamamayan.
Hindi aniya lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa kapwa.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *