Principal na ‘tulak’ timbog, inginuso ng estudyanteng adik

Maguindanao – Arestado ang isang school principal sa bayan ng Parang sa buy-bust operation nitong Lunes.
Kinilala ni Lt. Col. Ibrahim Jambiran, Parang Municipal Police chief, ang sinasabing tulak ng droga na si Nasser Kali Tando, 54, ng Sitio Tando, Barangay Poblacion 2.
Napag-alaman na ininguso ng ilang estudyante ang prinsipal na pinagkukunan umano nila ng iligal na droga.
“Due to the information, a surveillance operation was launched, and a week after that an entrapment was set up against the suspect,” ani Jambiran.
Naaresto si Tando, principal ng Miramar Elementary School, bandang 1:00 ng hapon na magbenta ng 3 maliliit na sachet ng shabu sa isang poseur buyer.
Dagdag pa ng pulisya, nasamsaman pa ng isang sachet ng shabu sa bulsa ang suspek sa ginawang body search.
Inamin naman ng principal na nagmula pa sa Cotabato City ang suplayer niya ng shabu.
Nakakulong na ngayong ang prinsipal sa Parang Police custodial facility.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close