IGINIIT ni Health Secretary Duque na dapat gumawa ng paraan ang mga pribadong hospital para magamot ang mga COVID patients.
Ito ay matapos na magpahayag ang ilang pribadong hospital na pansamantala muna silang hindi tatanggap ng COVID patients dahil hindi na kaya ng kanilang resources at manpower.
Bukod dito, na-e-expose na rin umano sa peligro ang  kanilang mga health workers dahil sa kakulangan ng Personal Protective Equipment (PPE).
Nakatakda naman pulungin ni Duque ang mga Director ng pribadong hospital upang mapag-usapan kung paano ma-accomodate ang tumataas na bilang ng COVID patients.
Inihahanda na rin ng DOH ang ilang referral hospital na pagdadalhan sa mga COVID patients tulad ng Lung Center of the Philippines at UP PGH.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *