Bgy. officials may bonus kay Digong

NASA maayos na kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte at patuloy sa kanyang pagtatrabaho kahit pinayuhan ng kanyang doktor na magpahinga muna ng ilang araw sa kanyang bahay sa Davao City.
Ito kahapon ang ibinalita sa publiko at sa media ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go matapos ang signing ng Manifesto of Support sa anti-corruption campaign ng pamahalaan.
“Ok po ang Pangulo. Sa totoo lang, hindi po napapansin noon na, in a month, meron talaga siyang Mindanao leg na ginagawa. Isang linggo siya doon, nag-ikot sa Jolo, sa mga kampo. Binisita niya ang mga sugatan na sundalo. Hindi niyo alam, naroon siya, nagtatrabaho,” ani Go.
Idinagdag pa ni Sen. Go na: “Sa totoo lang, ayaw ni Pangulo na nagpapahinga kahit ina-advise siya ng doktor. ‘Di siya makatagal sa bahay. Gusto n’ya magtrabaho. Bahay n’ya sa Davao, doon ang comfort zone n’ya. Doon siya nakakapagpahinga at nagtatrabaho. But, rest assured, he is ok.”
Sinabi ni Go na naantala ang pagpapahinga ni Pangulong Duterte na magsisimula sana nitong Lunes dahil may meeting pa siya sa Maynila kay Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari hinggil sa pagbubuo ng isang Peace Coordinating Committee sa pagitan ng organisasyon at gobyerno.
“Magkakaroon ng another meeting. Palitan, Manila tapos Davao and even Zamboanga. Kung saan convenient for both parties na dun sila mag-usap,” dagdag ni Go.
“Sa December 6, may bagong meeting along with MNLF officials. On the part of the government, kasama na ang National Security Adviser, Department of Justice at Department of Foreign Affairs. Pinapatawag din ng Pangulo ‘yung dating kasamahan na lumagda sa peace agreement with Nur Misuari,” aniya.
Ayon kay Go, mananatili si Pangulong Duterte sa Davao City hanggang Huwebes.
Aniya, nakatakda silang magtungo sa North Cotabato sa Biyernes upang dinggin ang hinaing ng magsasaka sa lugar.

  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    5
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close