MARAMING  nagsasabi na  kahawig ni Pops Fernandez si Maine Mendoza!
At dahil magkasama sila ni Alden Richards sa Centerstage ng GMA, hindi ba nila napag-usapan ang pagkakahawig ng Concert Queen at ni Maine?
“Wala pa naman siyang sinasabi, pero kinakalat ko na ex ko siya. Kinakalat ko lang ‘yon. Ha! Ha! Ha!
“Joke lang yun, ah?” tumatawang tsika ni Pops.
Bait na bait si Pops kay Alden na dati pa niyang kakilala dahil common friend nila ang mayora ng Sta. Rosa, Laguna.
“Napakasimple, very humble at hanggang ngayon ay hindi nagbabago,” description ni Pops sa Pambansang Bae.
“I think that’s why he’s so blessed,” sinabi pa ni Pops.
Kasama si Pops bilang isa sa judges sa Centerstage, bagong show ni Alden na musical competition for kids.
“I love kids, I love children. And siyempre, sa atin, lalong-lalo na, hindi tayo nagpapahuling mga Pilipino when it comes to talent. Batang bata pa lang, nakikita na natin yung mga talent ng mga Pinoy, di ba? I’m excited to see the kids. I’m curious to see how good the turnout will be.”
Ayon naman kay Alden…
“Na-excite ako dito kasi I want to learn from them as well, yung mga bata. That’s what I wanted to see now, parang how would I interact with these talented kids.”
Journey host si Betong Sumaya ng Centertage at ang iba pang co-judges ni Pops ay sina Aicelle Santos at Mel Villena.
Mapapanood ang Centerstage simula ngayong Linggo, @ 7:40 pm.

***

MATAPOS ang kanyang pagkapanalo sa sixth season ng StarStruck noong 2015, tuluy-tuloy ang blessings na natatanggap ni Migo Adecer lalo na sa kanyang stable career sa Kapuso Network. Marami ang nakapansin sa kanyang galing sa pag-arte nang gampanan ang role ni Jordan sa award-winning epic drama serye na Sahaya last year na kasama niya sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Tiyak na maraming fans ni Migo ang natutuwa dahil gabi-gabi na siyang napapanood sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ng GMA.
Bongga ang role ni Migo sa naturang teleserye dahil katambal niya rito sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Kate Valdez. Ayon pa kay Migo, excited daw siya na pag-agawan ng dalawang naggagandahang babae.
Pakatutukan ang mga nakakaaliw na kaganapan sa Anak ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

***

TIYAK na kagigiliwan ng netizens ang episode ng Magpakailanman ngayong Sabado.
Napakarami na kasi ngayon ang dog-lovers kaya naman pasuk na pasok at swak na swak sa kagustuhan ng viewers ang My Hero Dog episode ng Magpakailanan.
Tampok sina Rita Daniela at Kristoffer Martin, hahaplos sa puso ng sinuman ang napaka-espesyal na kuwento na ito sa pagitan ng tao at ng itinuturing natin na “man’s best friend!”
Bukod dito, mapapanood ang bonggang onscreen chemistry nina Rita at Kristoffer.
Kaya tutukan ang Magpakailanman (#MPKMyHeroDog) this Saturday, only in GMA!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *