POLITIKO NA ‘UTAK’ SA PAGPATAY SA BRODKASTER SA NEGROS, TUKOY NA

TUKOY na umano ng pulisya ang mastermind sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City.
Ayon kay Central Visayas regional police director Brig. Gen. Valeriano De Leon, mahigpit nilang tinututukan ang isang pulitiko sa lungsod ng Dumaguete na posibleng nasa likod sa pagpatay kay Dino Generoso.
Tumangging pangalanan ni De Leon ang nasabing pulitiko, bagama’t batay sa ginagawa nilang imbestigasyon, ito umano ang nagbayad sa mga suspek para itumba si Gene-roso.
Naaresto na ng pulisya ang dalawa sa mga suspek na kinilalang sina ret. Cpl. Glenn Corsame at sibilyang si Teddy Salaw.
Habang nananatili paring at large ang dalawa pang suspek na sina Tomacino Aledro na may-ari ng ginamit na getaway vehicle at triggerman na si Cpl. Roger Rubio.
Sinasabing nakalabas na ng bansa si Aledro na siyang dummy operator umano ng Small Town Lottery sa lalawigan ng Negros Oriental, bayaw ni Salaw, at sinasabing may ugna-yan din umano sa binabanta-yang pulitiko

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close