Patay ang isang policewoman ng pagbabarilin ng asawang nitong isang pulis na nagtangka ding magpakamatay matapos magtalo sa isang bagay sa sa bayan ng Tubigon, Bohol.
Nakilala ang biktkma na si Staff Sgt. Juliet Taguib, miyembro ng Clarin Municipal Police Station (MPS).
Samantala nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan sa Tagbilaran City ang suspek na si Police Staff Sgt. Ariel Tuquib, na nagbaril sa ulo matapos na mapatay ang kanyang asawa pulis.
Ayon kay Captain Robert Luceras, Chief of Police ng Tubigon MPS, 7:00 ng umaga ng maganap ang pamamaril sa bahay ng mag-asawa sa Sitio Ingod, Barangay Centro Tubigon, Bohol kahapon ng umaga.
Nagkaroon ng sagutan ang mag-asawa sa ‘di pa batid na kadahilan hanggang sa nauwi ang pagtatalo sa sigawan at makalipas ang ilang minuto biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril sa loob ng kuwarto.
Agad naman humingi ng tulong ang mga kasama sa bahay ng mag-asawa sa mga otoridad kaugnay ng naganap na insidente.
Nakuha ang mga otoridad ng mga basyo ng bala ng 9mm pistol na ginamit sa pamamaril sa biktima at tangkang pagpapakamatay ng suspek.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nasabing insidente.

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *