Mensahe ni Ramirez sa PSC coordinators

Sa wakas ay tatahak na sa tamang direksiyon ang POC at Philippine sports in particular.
Mapaplantsa na ang mga gusot sa POC na nagpapatengga sa mga adhikaIn sa pagsulong ng sports sa bansa damay pati ang preparasyon para sa hosting ng 30th SEAGames na halos nasa kabilang kanto na.
Naihalal ang marapat at deserving na pinuno ng POC na si Cong.Bambol upang mangibabaw ang kaayusan sa kumite at mawala na ang dibisyong lumulumpo sa Ph sports. Cong’gratulation president (Rep.) Bambol.
Your first order of the day… get rid of magulo na si Ho at Bachmann!
Iniluklok na bagong pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) si Abraham “Bambol” Tolentino ng cycling gayundin si Steve Hontiveros ng handball bilang chairman sa elek-syon na ginawa kahapon sa Century Park Hotel.
Tinalo ni Tolentino si Philip Ella Juico ng athletics, 24-20, samantalang si Hontiveros ay nakakuha ng 26 boto kontra 18 ni Aventejado ng taekwondo.l.
Sina Atty. Clint Aranas ng archery (24) at Cynthia Carrion ng gymnastics (23) ang dalawang may pinakamaraming boto sa mga tumakbo bilang board members.
Ang iba pang kandidato ay sina Monico Puen-tevella ng weightliting (21) at Lailani Velasco ng swimming (19).
Ang eleksyon ay pinamahalaan ng binuong Comelec committee na kinabibilangan nina Atty. Teodoro Kalaw IV, Fr. Vic Calo at Deputy House Speaker at Pangasinan Cong. Conrado Estrella III.
Pinadala ng International Olympic Committee (IOC) at Olympic Council of Asia (OCA) si Narinder Dhruv Batra ng India Olympic Committee upang obserbahan ang POC election.
Makakasama ng apat na bagong halal na mga opisyales sa POC Executive Board sina second vice president Jeff Tamayo ng soft tennis, treasurer Julian Camacho ng wushu, auditor Jonne Go ng canoe kayak, board members Cong. Prospero Pichay ng chess, Robert Mananquil ng weightliting, IOC representative to the Philippines Mikee Cojuangco-Jaworski, IOC honorary representative to the Philippines Frank Elizalde and Athletes Commission head Nico Huelgas of triathlon.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

One thought on “CONG’GRATS POC PREXY BAMBOL”

  1. Invite you to review our services

    Hello there,

    I’m is Loftin from Biglep.
    Biglep cooperates with Automattic, Google adsense, etc., provides them with data that webmasters’ opinions on their product.

    I am contacting you because we are looking for webmaster/blogger/business owner like you to test our service.

    The companies spend billions of dollars each year to obtain survey data.
    Biglep pays each member *** dollars daily for their opinions.

    If you are interested, please visit: https://www.biglep.com/paidsurvey

    Thank you for your time,

    Jennifer Loftin

    ^^^^^^^^^^^^
    Unsubscribe: https://www.biglep.com/unsubscribe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *