PNP: Seguridad sa pagsisimula ng SEA Games all set na | Politics & Gov't

PNP: Seguridad sa pagsisimula ng SEA Games all set na

“All set na” ang Philippine National Police (PNP) sa mga ipapatupad na seguridad kaugnay ng opisyal na pagsisimula ngayong araw ng South East Asian (SEA) Games sa bansa.
Ayon kay BGen. Bernard Banac, Spokesman PNP, handang-handa na ang pambansang pulisya sa mga inilatag na mga seguridad sa lahat ng mga lugar na pagdarausan ng mga palaro upang tiyakin ang seguridad ng mga manlalaro at mga delegasyon na kahalok sa 30th SEA Games.
Ani Banac, umabot na sa 2,751 na mga delegado kung saan 2,578 na kalahok sa SEA Games at 173 na mga foreign delegates na nasa bansa.
Sinabi ni Banac na magiging mahigpit ang seguridad na ipapatupad sa mga lugar na pagdarausan ng laro kaya’t nanawagan ito sa publiko na magtutungo at manonood ng mga laro na makiisa at huwag nang magdala ng mga bagay na ipinagbabawal dahil hindi ito papayagang makapasok o maipasok sa loob ng palaruan o gym.
Umaasa naman si Banac sa mga lider ng mga militanteng grupo na nagnanais na magsagawa ng mga kilos protesta na makikipagtulugan ito sa mga otoridad at pagkakaroon ng disiplina o pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang isasagawang mass action.
Sinabi pa ni Banac na walang planong magpatupad ng signal jamming dahil sa wala naman umano silang namomonitor na anumang banta sa seguridad kaugnay ng gaganaping SEA Games.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close