PNP procurement power inilipat ni Duterte sa DILG

NAGALIT sa Philippine National Police’s (PNP) sa pagbili ng overpriced radar speed guns, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte Lunes ng gabi ang pag-alis ng procurement power sa PNP.
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng Philippine Marine Corps sa Taguig City, ibinunyag ni Pangulong Duterte na tinawagan niya si Interior Secretary Eduardo Año at sinabihang gampanan na ang pagbibili ng mga equipment at firearms ng pambansang pulisya.
“Tinawagan ko si Secretary Año. Sabi ko, ‘Do not allow the police to procure. Ang opisina mo na ang mag-procure,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.
Nagngingitngit si Duterte sa pagsabing paano binili ng PNP ang P950,000 per unit ng radar speed guns gayung makabibili siya ng parehong device sa Davao City sa halagang P10,000 per unit lamang.
“I said I may be wrong. Pero certainly, P950,000 radar is just stupid because ‘yung sa Davao P10,000 lang,” sabi ng pangulo.
Sinabi niyang handa siyang ibigay lahat ng kailangang kagamitan ng PNP basta legal lang. “Ako, maski anong hingiin ninyo, basta legal lang, ibibigay ko. Walang problema ‘yan.”
Sinabi ni Duterte na sa mga kamay ni Ano, umaasa siyang “no corruption”.
Binalian din ng pangulo ang ibang government agencies laban sa paggamit ng public funds para sa pansariling interes.
“It’s a warning, lahat ng mga opisina. If you will keep on f****** the people’s money, I will remove the procurement powers sa inyo,” sabi ni Duterte.
Nagbanta si Duterte na bubuo siya ng Bureau of Supply katulad ng ginawa noon ni late President Ferdinand Marcos.
“I will establish a… Kagaya noon panahon ni Marcos . There was this Bureau of Supply,” sabi niya.
Ayon kay Duterte, ang Bureau of Supply ay may listahan ng lahat ng bibilhin ng gobyerno at kung magkano ang halaga nito.
“Gusto ko ilista lahat. ‘Yung tractor, kung anong gusto mong p***** i**** bilhin, eroplano, ilagay mo ‘yung presyo. ‘Yung international pricing para malaman ko kaagad kung magkano. In public,” sabi ni Duterte .
Bago ito, binigay ni Duterte kay Año ang “blanket authority” para i-supervise ang PNP, habang si Lt. Gen. Archie Gamboa ay mananatili bilang PNP officer-in-charge. (PNA)

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *