PNP: MGA DINUKOT NA KABATAAN SANGKOT SA DROGA

POSIBLE umanong konektado sa iligal na droga ang sinasabing mga insidente ng kidnapping sa Pasay City, ayon sa hepe ng Pasay City PNP.
Ayon kay Col. Bernard Yang, Pasay City police chief, base sa inisyal na imbesti-gasyon pitong indibiduwal ang naiulat na opisyal na nawa-wala.
Ayon kay Yang, ilang kamag-anak ng nawawalang kabataan na nasa edad 16 hanggang 22 ay umaming sangkot ang ilan dito sa iligal na droga.
“A parent of one of them mentioned something about the involvement of his child in illegal drugs. Meanwhile, one said his/her sibling is missing and is also involved in illegal drugs,” ani Yang sa isinagawang press briefing sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Martes.
Sa kabila nito, patuloy parin ang pag-iimbestiga ng pulisya sa iba pa na makapagbibigay ng karagdagang testimonya para sa ikalulutas ng kaso.
Dagdag ni Yang, tatlo sa nawawalang kabataan ay nagbebenta sa online pero hindi pa sila sigurado kung kasama sa nilalako ng mga ito ay droga.
Nag-viral sa social media ang post na tungkol sa puting van na nangunguha umano ng kabataan sa Metro Manila.
Isa ring closed-circuit television (CCTV) footage ang kumalat na nagpapakita kung paano sapilitang pinasok sa puting van ang isang binatilyo ng grupo ng mga kalalakihan.
Agad naman iniatas ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano kay Yang na imbestigahan ang mga ulat tungkol dito.
Mariin namang pinasinu-ngalingan at sinabing ‘fake news’ ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na kaga-gawan ng mga sindikatong nagbebenta ng laman loob ang nasabing mga pagdukot.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Close