TAX HOLIDAY SA PARAÑAQUE

Buhay pa pala ang tinaguriang mga kupal ng mga peryahang may dayang sugal ang grupo ng pipa.
Ang buong akala kasi natin ay kasama nang nagpaalam sa mundo itong grupong ito nang lumayas ang lumang taong 2019.
Bumuwelo lamang po pala ang grupong ito at mas lalo pang umasim at tumindi ang dating.
Yes dear readers, buong Probinsya ng Batangas ang pinaghaharian nitong grupo ng pipa, na gamit ang ilang mga kamag-anak at kaibigan nitong mga police officials at elected officials.
Dahil sa kuwartang ipinamumudmod ng mga kupal na ito sa mga patay-gutom na kapulisan at sa mga buwayang pulitiko, kaya heto’t kaliwa’t kanan ang hataw ng kanyang mga puwesto pijo.
Bukod sa Lungsod ng Lipa, Lungsod ng Batangas ay halos lahat na yata ng bayan sa probinsya ay sinasalukan ng sandamukal na kuwarta nitong grupo ng pipa,
Naririyan po ‘yan dear readers sa Brgy. Centro Labac, Brgy. Lodlod Lipa Ciy at Brgy. Cuta sa Batangas City, at ilang Barangay ng mga nasabing mga Lungsod, paldu-paldong kuwarta umano ang ipinampasak nitong grupong ito (kung paniniwalaan ang pagyayabang ng mga ito) sa bunganga ng mga alkalde ng mga Lungsod at bayan ng buong Probinsya ng Batangas bilang goodwill payola.
Bundat din ang mga lokal na opisyal ng dalawang nabanggit na Lungsod at mga kapulisan nito mula sa biyayang ipinamamahagi ng grupo.
Mistulang legal ang operasyon ng color games at drop ball ng grupo ng mga peryante.
Ano naman kaya ang masasabi dito ni Colonel Ronald Lee, ang Director ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG)?
May mga kamag-anak daw di umano itong mga opisyal ng pulis na ipinagmamalaki ayon sa ating mapagkakatiwalaang source.
Bukod dito ay may mga ilang opisyal din sa probinsyang ito ang mga dawit sa umano protection racket na ito Colonel Lee.
Direktang tumatanggap ng bribe money o payola mula sa mga grupo ng iligaslitang pipa ang mga hepe ng kapulisan ng Lipa City at Batangas City.
Open secret ito hindi lamang sa mga mamamayan ng Batangas kundi sa lahat ng mga taong naniniwalang inutil pa rin ang PNP sa pagsugpo sa lahat ng uri ng illegal hanggang patuloy na nakakapangusap ang kuwarta.
Colonel Lee, malinaw ang mandato ng iyong tanggapan patungkol sa mga masisibang pulis na nanginginain ng intelihensiya mula sa mga iligalista pero wala kang galaw patungkol dito.
Totoo rin bang nakarating na rin diyan sa mismo mong tanggapan ang bangis at kamandag ng grupong ito at kinain ka na rin daw colonel ng bulok na sistema.
Totoo din bang Batangas lang ang matibay at hindi kayang ipahinto dahil sila lamang daw di umano ang pinayagan makapaglagay ng illegal?
Kung totoo ang kuwento ng mga iligalistang ito, may bagmen na rin daw pong umiikot para sa PNP -IMEG.
Kaya naman pala biglang nanlamig ang mainit at kumukulong mga operasyon ng PNP-IMEG sa CALABARZON.
Mga tauhan mismo ng mga kupal na grupo at operator ng mga peryang may sugal sa Batangas ang nagyayabang sa pamamalita.
Kaya naman ang tanong ngayon ng madlang pipol, totoo bang pasok na sa intililing ang IMEG?
Yung mga designated bagmen nila na karamihan ay mga sibilyan ngunit may nakatalagang pulis na engkargago este enkargado pala?
Yan na ba ngayon Col. Lee ang job description ng mga kasapi ng IMEG?
Ang maghintay at abangan ang paparating na intelihensiya?
May kasunod…
Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *