Nilinaw ng kampo ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi siya sasailalim sa heart procedure kundi isang regular na naka-iskedyul na check up lamang, ayon sa spokesperson nito.
Ito ang tugon ni Atty. Abigail Valte matapos na lumabas sa isang radio report na nasa MMC si Aquino para sumailalim sa heart procedure.
“Former President Noynoy Aquino is at the Makati Medical Center for a scheduled check up and a routine procedure,” ani Valte. “He’s alright and in high spirits, and thanks everyone for their concern.”
Nagawa pa umanong magbiro ni Aquino kay Valte at sinabi nitong ‘broken hearted’ siya.
“While he is currently under observation, I was able to speak to him and apprise him of what is being reported in media. Nagbiro pa na baka daw kaya heart procedure ang balita kasi heartbroken siya,” she said.
Matatandaan na noong Agosto ay ibinuking ni Kris Aquino na kaya hindi nakasama ang kanyang kuya sa pagdalaw sa libingan ng kanilang mga magulang ay dahil ‘he is not okay.’
Pinabulaanan muli ito ni P-Noy ay sinabing ‘flu’ lang ang kanyang nararamdaman.

  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    3
    Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *