Para makatulong sa pagsugpo sa coronavirus disease o COVID-19, nilagyan ng plastic shield ang harapan ng presinto ng Sta. Ana Police Station 6, sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa mga pulis, upang mapangalagaan ang kalinisan at seguridad ng mga pumapasok at lumalabas sa nasabing police station.
Bukod sa plastik, may iba pang precautionary measure ang Sta. Ana Police Station gaya ng regular na disinfection at paglilinis.
‘No face mask, no entry’ din ang ipinatutupad dito. Nagbigay naman ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng face shield sa mga pulis, na kanilang magagamit lalo sa mga checkpoint.
Nitong Lunes kinumpirma ng Manila Police District o MPD na mayroong isang pulis-Maynila na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay MPD PIO Chief LT. Col. Carlo Manuel, base sa isinagawang laboratory test sa RITM, positibo sa COVID-19 ang isang patrolman na hindi muna natin papangalanan.
Ayon sa MPD, nagsasagawa na rin sila ng contact tracing sa mga taong nagkaroon ng close contact sa nasabing pulis.

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *